Pages

January 01, 2012

Sige, tarayan mo ako Day

Malambing naman ang pamangkin ko. Palagi niya nga akong kini-kiss, lalo na sa lips. Kanina nga lang, kiniss nya ako at pagkatapos ay nagtanong siya, "Buntis ka na?" Biniro ko naman siya at sinabi kong, "Oo, at ikaw ang ama!" Hahaha.. Nakakatawa talaga siya, akala niya yung kiss sa lips ay magbubunga ng bata sa womb. Magkatabi kami sa bed kasi ganyan niya ako kagusto.hehehe.

Pero mataray talaga siya. Kapag wala sa mood ay bonggang-bongga ang pagka-taray niya daig pa si Anabelle Rama. Nasasabunotan ko na nga siya sa isipan ko eh. Ewan ko ba, ang bait-bait ng parents niya pero siya, over-over talaga sa pagka-kontrabida.

Ayaw niya kay Noemi. Si Noemi yung pamangkin ng yaya niya. Parati kasing pumupunta si Noemi sa bahay nila. Napapansin ko talagang madali siyang ma-high blood pag andyan siya. Isang beses nga galit si pamangkin sa akin kasi kinakaibigan ko si Noemi. Sabi niya, "Hindi na tayo bati Ate Jillian!", sabay walk out. Minsan din ay sinasabihan niya si Noemi ng,"Bakit andito ka na naman? Bahay mo ba 'to?"
Hayyy.. puputi ang buhok ko sa batang itech.

Ngayon lang, habang tulog ang mama niya at nasa labas papa niya, pinahubad niya sa akin ang clothes niya kasi maliligo na siya. Napansin niyang malamig ang tubig at ito ang aming naging usapan:

Kath: Ate Jillian, malamig ang tubig! Lagyan mo ng mainit!
Ako: (Tinatamad) Eh walang mainit eh. Ok lang yan, hindi naman masyadong malamig.
Kath: Ang lamig nga eh! Lagyan mo na! (GALIT NA SI MADAM)
Ako: EH DI WAG KANG MALIGO!

Na-feel niyang galit na ako sa tono ng aking pagsasalita. Kaya ayun, naligo na siya at hindi na nag-reklamo! hahaha..

*I LOVE YOU KATHLEEN KAHIT PARATI KANG MATARAY.

No comments:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...