Pages

June 26, 2012

Tangina Bro Moments

Pasensya na sa mura. Isipin niyo na lang na hindi siya mura. Minsan kasi it becomes a matter of perspective na whether you consider this thing to be good or bad.hehe. Pero kasi natutuwa talaga ako sa fina-follow ko sa twitter. Si:

Kung hindi ka matutuwa sa kanya, isa kang certified na kill joy. Tumatawa nga akong mag-isa habang binabasa ko tweets niya. Tangina Bro moments, yan yung mga pagkakataong naiinis ka, naiirita ka, na-ha-high-blood ka, napupuno ka na sa mga bagay na meron o walang kwenta. Kaya Tangina Bro na lang talaga masasabi mo. Nakaka-relate ako sa ibang tini-tweet niya. Relate kasi hindi naman ako exempted sa mga moments na gusto mong manghagis ng plato.

Kaya heto na ang mga iilang Tangina Bro moments na yan:

Yung hindi ka makatulog sa klase kasi ang ingay ng titser.


Yung mga feeling nasa shampoo commercial, sige lang display your damaged hair.


Yung sobrang confident mo sinigaw yung answer... mali pala.


Yung uso bigla magpapicture na may kasamang ice cream..


Yung sobrang pinapractice mo joke mo......tapos nung sinabi mo, nagkamali ka.


Yung summer na nga, pero may pasok ka pa rin.


Yung nag snorkeling kayo, wala namang laman yung dagat.


Yung hindi ko gets kung ano kinalaman ng itlog sa Easter.


Yung mga salespeople na sunod ng sunod sa iyo. Nag-apply ka ba sa pagiging bodyguard?


Yung hindi mo mabuksan yung pagkain kahit sa 'tear here'.


Yung pakiramdam mo ang dali-dali lang ng exam tapos bagsak ka pala.


Yung todo kopya ka ng assignment tapos hindi naman pala tsitsekan.


Yung lunes na bukas at wala ka pa rin nagagawa.


Yung sobrang sweet niya...sa lahat.


Yung ultimo sarili mong sulat hindi mo maintindihan sa sobrang pangit.


Yung alam na ngang walang pag-asa, umaasa pa rin.


Yung kanina mo pa tinataboy ang langaw, pero ayaw ka pa rin tantanan.


Yung naihi ka ng madaling araw, todo iwas ka sa salamin.


Yung tinawag kang panget, parang siya hindi eh.


Yung kumaway ka pabalik tapos hindi pala ikaw ang kinakawayan.


Yung wala ng lasa ang chewing gum mo, wagas pa rin kung makanguya.


Yung salita ka pa nang salita, tapos na pala ang tawag.


Yung akala mo gusto ka rin niya, akala mo lang.


Eto yung link kung gusto niyo pang magbasa: TANGINA BRO!
---------
Ang aking na-experience na tangina bro moments:

Yung umulan bigla at wala kang dalang payong.


Yung may gustong-gusto kang papanuoring show tapos nag-brown-out.


Yung may kailangan kang bilhin sa tindahan tapos wala o ubos na.


Yung sobrang nag-aral ka tapos bagsak pa rin sa exam.


Yung hinihintay mo text nya pero wala, walang dumating.


Yung may nakita kang gwapo, bading pala.


Yung matagal ka nang nag-ba-blog pero konti pa rin followers mo.


Yung may babaeng nilalandi crush mo.


1 comment:

Orange Pulps ♥ said...

wahaha. wagas tawa ko dito jill. asteeeg! ^_^

tama nga naman lahat.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...