Pages

September 01, 2012

Kamukha Dito, Kamukha Doon

Nagpagupit ako ngayong araw. Napadpad na naman kasi ako sa Krus na Ligas. Bukod sa may bagong bookshop doon, meron ding bagong parlor at napagdesisyonan kong magpagupit na. Ang haba na kasi ng aking heyr at nagiging hassle na siya sa akin. Ang cool ng parlor, P50 pesos lang ang haircut. Naalala ko tuloy yung naging tutee ko dati, nagpagupit siya sa sosyal na salon at ang bayad ay P800! Oo, ganun sila kayaman! P50 o P800, ganun pa din naman mukha mo, kaya doon na lang ako sa mura. Pero maganda rin naman sa mahal kasi aircon doon, dun kasi sa pinasukan ko electric  fan lang.hehe. At ang alam ko, sa sosyal na parlor, may kape pa silang nalalaman na iseserve sa iyo. 

So ayun, nagpagupit ako. Tanong ni ateng bakla sa akin kung bakit ba daw ako magpapagupit eh ang ganda-ganda ng buhok ko. Hindi ko ata siya nasagot, hindi ko na kasi maalala ang tugon ko eh.haha. Wala talagang nabago sa hairstyle ko kasi pinaikli ko lang talaga siya. Nagpa-ahit din ako ng kilay. Ang kapal na kasi niya eh. You know, bumabalik sa natural niyang anyo. Pasensya na, gusto ko lang namang magmukhang dalaga. Yung last na nagpa-ahit ako ay noong June pa! Nag-try naman akong mag-ahit on my own pero palpak talaga. Hay, wala akong kabadingan sa aking system. Ibang ateng beke ang nag-ahit sa akin. Akalain mong yung nag-haircut sa akin, hindi marunong?hekhek. Straight siguro yun, nagpapanggap lang na bading!haha. Anyways, mas maganda yung nag-ahit sa akin kaysa yung sa naggupit. Yung patapos na si Ateng Ahit, lumapit  si Ateng Gupit. Tinanong ni Ateng Gupit ang aking edad. Ayokong i-share yung edad ko kaya tinanong ko siya kung ilang taon na ako sa tingin niya. Akalain niyo ba namang ang sagot niya ay 14??!! Tumawa talaga ako. Sabi naman ni Ateng Ahit, "15?". Sige na, ako na ang bata tingnan. Tanggap ko na iyon! Until now, hindi ko pa rin alam kung ituturing ko ang ganung akala as compliment or not. Anyways, habang inaahitan ako, sabi ni Ateng Gupit na may kamukha daw ako. Si Barretto daw. Hindi niya maalala yung first name, basta hindi si Claudine at Gretchen. Sa isip ko, baka si Marjorie. Hay, ako na talaga ang may chubby na face. Chaka sila, pinamukha pa talaga sa akin.haha. Pero bumawi naman si Ateng Ahit kasi after niya akong ahitan, sabi niya na kilala na niya ang kamukha ko. At ang taong iyon ay si Donna Cruz. Chaarr!! Gusto ko biglang makipag-high five sa kanya.haha.

Alam ko namang malayo sa pagmumukha ko ang mga pagmumukha ng mga magagandang celebrities na nasabi ng ibang mga taong kamukha ko raw. Pero grabe, nakakatuwa talaga at nakaka-melt ng fats. Nung high school ako, nung panahong hindi pa bilog ang aking mukha, tinatawag ako ng close friend ko na Cristine Hermosa. Humahaba ng 1 inch ang buhok ko everytime na sinasabi niya yun sa akin.haha. May dormmate  ako nung first year college ako at sinabi niyang kamukha/kahawig ko raw si Angelica Panganiban! Hindi ko alam kung anong klaseng vision ang meron sila at narerelate nila ang mga diyosang yun sa ordinaryo kong mukha.haha. Meron din yung pamangkin ng katulong ng pinsan ko sa Pasig. Sabi niya na kahawig ko raw si Rosalie sa Angelito, Ang Batang Ama. Ni-research ko talaga kung sino yun at si Charee Pineda pala.

Hay, how i wish kamukha ko talaga sila. Pero okay lang, masaya din naman ako sa pagmumukha kong ito paminsan-minsan. :D

No comments:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...