Pages

October 02, 2012

Spell SABAW

Sabaw No. 1:
Dumating ako sa classroom at wala pa si Sir. Nanuod ang classmates ko ng Tales from the Friend Zone ni Sir RB. Yung pinanood nilang episode, yung isang gumanap doon ay classmate ng roommate ko. So wala lang, kinuwento ko lang sa kanila.

Ako: Classmate yan ng roommate ko.
Klasmeyt: Sino jan, yung macho?
Ako: Hindi, yang finriendzone, classmate ng BOYFRIEND ko.
Klasmeyt: May boyfriend ka pala?
Ako: Waaah, boyfriend ba sabi ko? Hindi, roommate.

SABAW!

Sabaw No. 2:
Bumili ako ng load sa SUN para makapag-internet dahil nawalan kami ng wi-fi connection sa dorm. Sa kiosk malapit sa library ako bumili ng P25 load para makapag-unlimited internet for one day. Nang dumating ako sa dorm, na-realize kong P50 pala ang pag-a-unli!!
Babalik na naman ako para magpa-load!

SABAW!

Sabaw No. 3:
So ayun, babalik na ako sa kiosk para bumili ng load. Ganoon din si roommate so nagsabay na lang kami. Nang nasa lobby na kami, na-realize ni roommate na hindi pala niya dala ang card kung saan nakalagay yung number since hindi niya memorize. AT AKO DIN PALA! Hindi ko dala ang cellphone ko kung saan naka-save yung number since hindi ko rin siya memorize. Kaya balik kami sa room!

SABAW!

Sabaw No. 4:
So yes, may sapat na load na ako for unlimited internet. Nag-start na akong mag-surf and all. Dumating si other roommate. At dahil nga walang internet, nakigamit muna siya sa akin dahil may ida-download siyang acad stuff. Nagtanong siya:

Rumeyt: Jill, kailan 'to mag-eexpire (internet)?
Ako: Bukas pa yan kasi 1 day unlimited yan.
napatigil...
Ako: Sh*t, hindi pa pala ako nakapag-register for unli!

Opo, nakalimutan kong magpa-unli! Kaya ayun, BALIK na naman ako sa kiosk para bumili ng load kasi nabawasan na load ko after kong mag-surf agad-agad!

SABAW!

Grabe, sobrang sabaw ako kahapon. Buti na lang hanggang pang-apat na sabaw lang ang nangyari sa akin. Wala kasi akong sapat na tulog dahil sa acads, tapos stressed pa, tapos worried pa sa mga bagay-bagay..Hay, kawawa naman si brain cells, sinasabaw ko.

PS Mukha bang sabaw ang post na 'to?

1 comment:

Samantha Justine Zamora said...

haha! natawa ako dun, malas naman ng araw mo... :P

(following you now via GFC, hope you follow back)

www.citybehindthefog.blogspot.com
www.officiallygirlyfied.blogspot.com
www.psychochicklessons.blogspot.com

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...