Total Pageviews

Report Abuse

Skip to main content

Dahil Ngayon ay Buwan ng Wika

Para sa akin mas nakakatuwang magsalita at magsulat gamit ang Wikang Filipino. Pero nag-Eenglish ako sa blog ko. Ayronik no? Feeler kasi ako eh, kahit mali-mali grammar ko, feeling ko matalino ako kapag nag-Eenglish ako. Pero mas fun talaga magsulat in Filipino, mas madaling magpatawa at mas mabilis ang flow ng mga ideya. Sa English kaya, na-sta-stuck ako, nasasabaw ang utak ko. Ngunit patuloy pa rin ako sa pag-eenglish dito kasi goal kong mag-ipon ng maraming flags ng iba't-ibang bansa! At mas madali kong ma-aachieve yun kapag nag-eenglish ako.hahaha! Oo, seryoso ako, isa yan sa mga dahilan. Minsan lang ako nag-Fifilipino gaya ngayon dahil ang Agosto ay buwan ng Wikang Filipino. Nais kong mag-post kahit isa man lang para ipahayag ang aking pagka-giliw at pagmamahal (kahit sabihin mo pang kaunti lang iyon) sa sarili nating wika. Basta sure ako na hindi ko ikinahihiya ang Wikang Filipino.

Kaya ayun, nais ko lang mag-share ng mga Original Pinoy Music na gusto ko. Aktwali, marami akong gusto, as in. Oo, marami akong pinakikinggang Pinoy music no.. Kahit k-pop ako nang k-pop kasama pa rin ang OPM sa mga pinakikinggan ko. Magaling kaya gumawa ng kanta ang mga Pinoy (taas ang noo!) Oo sila, huwag niyo akong isali kasi bobo ako pagdating sa music.hehehe.. Maganda ang music namin, mas maganda din pag sinasabi siya in Filipino..

Kaya eto pumili ako ng top 5 Tagalog songs na gusto ko.. :)) Pasensya na, mostly emo sila.. Medyo emo kasi ako pagdating sa usapin ng pag-ibig. Minsan kasi nag-eenjoy ako kapag ma-drama ang kanta, yung nasasaktan ang nagsasalita. :))


"At kung hindi man dumating sa 'kin ang panahon na ako ay mahalin mo rin. Asahan mong di ako magdaramdam kahit ako ay nasasaktan. Huwag mo lang ipagkait na ikaw ay aking mahalin." (masyadong ma-chika ang lyrics pero gusto ko talaga siya..hahaha. )


Nandito Ako ni Lea Salonga ang pinaka-paborito kong OPM nung bata ako. Lihim ko itong kinakanta dati..hihihi (Sabi na sa inyo emo eh.)


Emong-emo na talaga, hindi na mapipigilan.


Di kita pipilitin. Sundin mo pang iyong damdamin. Hayaan nalang tumibok ang puso mopara sa akin.
Nakaka-relate talaga ako sa kantang to. Hindi kasi ako namimilit eh.


Malapit sa puso ko ang kantang 'to. Naaalala ko kasi ang McDo commercial tungkol sa mga miyembro ng pamilya na sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ng separate na mga landas. Kaya ayun, nalulungkot ako kasi ganun din ang nangyayari sa aking pamilya, sina mama at papa na lang ngayon ang nasa tahanan namin.  

Comments