Total Pageviews

Report Abuse

Skip to main content

Kapag may gf ang isang guy straight na agad? Hindi ba pwedeng nagpapanggap lang?

Apat kaming magkakakilala na hindi makaalis sa building dahil ang lakas ng ulan noong nakaraang linggo. Habang kami ay naghihintay na tumila ito, nag-chika-chika muna kami. Sino ba kami? Hindi na lang ako magbibigay ng totoong pangalan, pseudo name na lang para safe. Kami ay sina Maria, Elena, Henry(totoong lalaki 'to) at ako. Biglang nag-open ng topic si Elena--bading kaya si guy na tawagin natin sa pangalang Gwaposana? Sabi ni Maria, "Para sa akin, oo". Umagree ako sa tingin ni Maria. Habang sina Henry at Elena ay naniniwalang straight siya. Pero naisip ko ngayon lang, kung straight para kay Elena si Gwaposana bakit kaya siya nagtanong ng ganoon sa amin? Hmmmm.. Siguro ay may naaamoy siyang something fishy. May medyong debateng naganap sa moment na iyon. Ipinilit ko kasing bading talaga si Gwaposana. Tapos sabi ni Henry na may girlfriend daw iyon. Tumaas ang aking kilay at sabay tugon, "Defense mechanism lang yun. Si Piolo nga, nagka-girlfriend." *Sorry talaga Piolo, alam ko namang wala kang masamang ginagawa sa akin para isali ka sa usapan namin. Pero kailangan ko talagang magbigay ng konkretong example* Hindi kinontra ni Henry ang aking sinabi, bagkus ay shinare niya na may nakakita daw kay Piolo at ang driver niya na nag-kiss lips to lips sa loob ng kanyang sasakyan. Nawindang lang kami teh. Totoo man iyon o hindi ay hindi magbabago ang tingin ko kung ano ang sexual preference ni Papa Piolo.

Ngayong semana, tinawag ako ni Elena dahil may nalaman siyang may girlfriend talaga si Gwaposana. Napa-WEH? lang ako. Later that day, nagkasama na naman kaming apat at sinabi ko kay Henry na may gf yung lalaking yun. Napa-TALAGA? siya. Tinanong ko siya,"Di ba sabi mo may girlfriend si Gwaposana? Bakit parang nagulat ka ngayon?". "Eh joke lang yun eh", tugon niya. "Sus, si Piolo nga naging girlfriend si KC", dagdag niya. Nagulat lang ako ha, last week, tingin niya straight si Gwaposana pero ngayon ay nag-da-doubt na rin siya. At dinugtongan ko pa ng, "Si Rustom nga, naging asawa si Carmina!" Haaayy.. Tumawa na lang kami. 

Ito lang talaga ang point ko sa kanila, hindi sapat na proof na sabihing straight ang isang guy dahil meron siyang girlfriend o asawa. Ang mga karanasan ng ibang mga tao ang nagsasabing fallacy talaga ito. Nakakainis sila, silang gumi-girlfriend pero boylet naman talaga gusto nila. Nakakainis pero nakakaawa naman kasi wala silang gusto kundi mag-come out pero takot sa pamilya, sa simbahan at sa lipunang lalaitin lamang ang kanilang pagkatao. Haaayyy.. Ok lang naman na maging closet gay eh.. Pero sana naman mga sister, huwag niyong gawing kasangkapan ang isang babae para sabihin lang na straght kayo! Maawa naman kayo sa babae, naniniwala silang inlab kayo pero sa totoo naman inlab kayo sa kapatid nilang lalaki. Or pwede namang iinform niyo sila. Parang ganito,"Uy teh, may secret akong sasabihin sa iyo, beke talaga ako. Pwede ka bang magpanggap na girlfriend ko para hindi maisip ng tatay ko na girlalu ako? Pleeaaase?" O di ba, mas ok? hehe.

Alarming lang na marami na talaga ang curved ngayon. Parami nang parami, hindi ko alam kung bakit. Basta Lord, tirhan mo naman ako ng isang straight na lalaki na pasok sa aking standard. Pleeeaaassseee.. Nagsusumamo at nagmamakaawa po ako sa inyo. Thank you! :D

Comments