Habang nag-aabang ako ng jeep papuntang Katipunan, sa waiting shed ng AS, nakita ko ang classmate ko sa Arkiyo isang taon na ang nakalipas na naglalakad papunta sa aking direksyon. Tiningnan ko siya, tiningnan niya ako. Sabi ko sa sarili, "Ay, hindi ako magha-'hi' jan kasi hindi naman kami close. Tapos, baka hindi na niya ako makikilala kasi parang mas gumanda ako ngayon kesa dati (hahaha)." Kung kilala niyo ako, hindi talaga ako yung pala-HI sa mga acquaintances. Isa akong introvert at hinihintay ko yung mga acquaintances na iyon na mag-HI muna sa akin. Kung hindi nila gagawin yun, edi keber, walang pansinan.
Nang malapit na siya sa akin, bigla siyang nag-HI. Napa-HELLO tuloy ako. At nagkaroon kami ng maikling conversation:
Siya: Kilala mo pa ba ako?
Ako: Oo, klasmeyt kita sa Arkiyo.
Siya: Ano nga ulit pangalan mo?
Ako: Jill. Wait, ikaw, parang naaalala ko pangalan mo. Joshua di ba?
Siya: hehe.. oo.
Ako: Ang galing ko no?
Siya: hehe
Ako: Ang bibo mo kasi sa klase eh kaya naalala kita.
Siya: Sa first part lang ako bibo at sa mga reportings. Ang ingay ko rin kasi sa harap. blah blah blah blah blah blah
(May kinuwento siya about sa teacher namin sa Arkiyo..)
Ako: Hala, ano ngang pangalan ng teacher natin?
Siya: Si Ma'am Kat, Kat _______.
Points why I shared this encounter:
1.) Wala talagang uneasiness kapag nakikipag-usap ako sa mga bading, whether close ko sila o hindi. Wala, bigla lang akong nagiging komportable sa kanila. Nawawala ang aking reservations, nakakalimutan ko na ako ay introvert. Basta, masaya sila kasama na hindi pwedeng tatahimik ka lang and all.
2.) Minsan, mas naaalala mo pa ang pangalan ng iyong klasmeyt kaysa sa pangalan ng teacher mo na palagi mong kaharap every class meetings.
3.) Na-realize kong may mga taong kayang ibahin ang personality mo kapag kasama mo sila.
Comments