Mag-aapat na taon na akong may account sa facebook pero unang beses ko pa lang kagabi na mag-post ng hindi kaaya-ayang status dahil sa galit. Kaunting push na lang galing sa kanila at kakalimutan kong mabait ako. Grabe ang iyak ko sa cr ng dorm namin, pati na rin sa kuwarto ko. Sabihin na nilang queen of OA ako o killjoy, basta ang alam ko hinding-hindi ako natutuwa sa joke nila. Nakakairitang isipin na ginagawa ka nilang kasangkapan para humahalakhak sila sa tuwa. Samantalang ako ay nagpipigil sa galit. Maraming nagsasabi sa akin na hindi raw ako marunong magalit. Ang dali-dali lang magalit, hindi pa ako marunong? Nagagalit din ako pero kadalasan, tinatago ko lang sa puso ko. And I just let time help me dilute that anger until it's gone in my bloodstream. Pero may mga pagkakataong hindi na kaya ng puso kong i-deal ang mga pang-aasar na kumo-quota na. Ang pasensya ko ay hindi gaya ng text na pwedeng unlimited. Kaya ayun, kung magbabago man ang treatment ko sa kanila ay dahil yun sa ginawa nila sa akin.I don't want to be mean but I also don't want people to abuse the kindness that I have shown to them.
Tinanong ako ng isa kong kaibigan pa-tungkol sa status ko. Hindi niya maintindihan ang status ko dahil naka-BISAYA yun. Nag-bisaya na ako kasi galit na ako eh. Pinost ko yun sa facebook dahil gusto kong makita yun ng mga taong nang-aasar sa akin. Bisaya yun pero alam kong mage-gets nila ang gusto kong iparating sa kanila, na malapit na akong sumabog sa pang-aasar nila. Balik tayo sa kaibigan kong nagtanong sa akin. At dahil medyo close kami ng orgmate ko na yun, sinagot ko ang tanong niyang, "Ano ang problema mo? (with matching sad face)" Nag-explain ako ng konti at eto ang sumunod na usapan namin:
95% sa mga jokes na binabato sa akin ay hindi ko pinapansin o nakiki-ride lang ako. Pero yung joke na tinutukso ako parati sa taong hindi ko gusto, doon talaga ako naha-high blood. Kaya kong i-poker face yung joke tungkol sa kapayatan ko, sa Infinite, sa kpop, sa katamaran ko, sa pagiging mabagal ko, sa mga gusto kong hindi nila gusto at marami pang iba. Pero pagdating talaga sa tukso-tukso na yan, mas mabilis na nagiging active ang dormant kong galit.
Ikaw, ano yung joke na pinakaiinisan mo?
Ikaw, ano yung joke na pinakaiinisan mo?
Comments