Total Pageviews

Report Abuse

Skip to main content

Hindi lahat ng mga jokes ay okay lang Part 2

Siguro curious kayo kung anyare pagkatapos kong ma-high blood (pwede bang ma-high blood ang anemic?) dahil sa pangtutukso sa akin. Una sa lahat, yung mga tinutukoy kong taong nang-pepair sa akin na kinaiinisan ko ay ang mga kasama ko sa trabaho. Oo, cyberfriends, working student ang peg ko ngayong sem. Actually, hindi lang sila yung tumutukso sa akin, marami rin sa school. Pero yung mga tao kasi sa work yung parati kong nakakasama nowadays so madalas din yung pang-jo-joke nila. Therefore, madalas ding natetest ang pasensya ko. Akala siguro nila na okay lang sa akin. Or akala siguro nila na bato ako na hindi kayang makadama ng kahit na anong feelings gaya ng inis. Pero akala lang nila yun.

January 24, huwebes, nag-post ako ng hate status sa facebook. Kinabukasan, papasok sana ako pero nag-decide na huwag na lang. Bakit? Kasi ayaw ko muna silang makita, naiinis pa rin ako. Ganun kababaw ang rason ko? Oo, bakit, bawal ang walang kwentang dahilan?hihihi (peace. ;D ) Lunes ay pumasok na ako. Kasi naman, shit lang, sayang ang pera. Kami lang nun nina K at M. Tinanong ako ni K nung papunta na kami sa canteen para mag-lunch, "Jill, bakit absent ka nung friday?" Sabi ko, "Wala akong ganang pumasok." Tapos sabi ba naman nilang dalawa na baka dahil nag-LQ kami ni Jep kaya ganoon. Tawa-tawa sila, nakakatuwa raw kasi eh. Tumahimik na lang ako. T_T Pagkatapos ng lunch, umalis na si K kasi may exam yata. Dumating naman si R. Mga 3 pm ay nagmeryenda kaming tatlo (R, M at ako). Ikinuwento ni M na nag-aaral siya ng Python (programming language) at natutuwa raw siya kasi simple lang daw kompara sa Java, c, c++ at iba pa. Sumang-ayon naman ako kasi napag-aralan namin yun sa isang major subject. Marami pa siyang sinabi about programming and stuff. Tapos sinabi ko na ayaw ko talaga ng programming kaya never akong kukuha ng trabaho as a programmer (as if may kukuha sa akin). Tinanong ako kung ano na lang ang kukunin kong trabaho pagkatapos ng board exam. Nag-joke ako ng, "wala, magiging bum lang ako sa bahay." At alam niyo ba, pinagsisihan kong sinabi ko ang joke na yun dahil sabi ba naman ni M, "Ah, sa bahay ka lang kasi si Jep ang magtatrabaho para sa'yo." Tang-ina this, sabi ko sa isip ko.

Miyerkules, natuwa ako kasi hindi nila ako inasar.

Kada MWF pala ang trabaho ko. Tuwing TTh, pakalat-kalat lang ako sa UP.

Biyernes, pumasok ako. Nag-meryenda kami around 3 pm. Lima kami nun sa canteen, si K, Jin, M, R at ako. Maya-maya dumating si Jep. Nang-lalab team na naman sila at nainis na naman ako. Hindi ko na maalala yung sinabi nila basta sa taym na yun, si Jin at K yung nang-asar. Tapos nakuwento ni Jep na nagbebenta siya ng tiket sa UP Fair (concert yun sa UP kung saan nagpeperform ang maraming lokal na banda every february) sa araw na andun ang Parokya ni Edgar. Sabi ko na bibili ako ng dalawa, ang isa ay para sa bespren kong si Rona. Tapos sabi ni K na nagbebenta rin siya. Magbibigay raw siya sa akin ng discount kaya natuwa ako at biglang napaisip na sa kanya na lang bibili. Medyo umangal si Jep kasi siya naman talaga yung sinabihan ko. Then sabi ni K na sa kanya na lang ako bibili since galit naman daw ako kay Jep. Sabi ko na hindi naman ako galit kay Jep. Hindi nila masyadong narinig ang sinabi ko kaya pinaulit ni Jin at sabi niya, "Ano Jill, bakit ka galit kay Jep?" Tugon ko, "Hindi ako galit kay Jep. Galit ako sa mga nang-aasar sa akin sa kanya." Nagulat si K at nagtanong, "Galit ka sa amin??!?" Sa walang pagdadalawang-isip, isinambit ko ang mga katagang, "Oo, galit ako sa inyo."

Inalis ko ang tingin ko sa kanya at bigla akong napaluha. Damang-dama ko ang pagdaloy ng aking mga luha sa aking mga pisngi. With a crack voice, sabi ko, "Asarin niyo na ako sa kahit na ano, huwag lang sa ganyan (pang-pepair)."

Nung bumalik na kami sa work station namin, nag-sorry si K sa akin. Natuwa ako. Yun yung isa sa mga bihirang pagkakataon na na-appreciate ko ang isang apology kasi alam kong sincere siya at hindi na niya uulitin ang pang-aasar sa akin.

Nung Lunes (Feb 4), wala ng pang-pepair. Masaya na ulit.

Comments