Total Pageviews

Report Abuse

Skip to main content

Cheating pa rin yun


Klasmeyt tayo nung law. Wala pa akong org noon. Exam nung araw na iyun. Nasa harapan kayo, medyo busy kasi sa isang amazing na paraan, nalaman niyo yung mga tanong sa exam. Gusto kong sumali pero hindi ko naman kayo ka-close. Nakita kitang kinuha ang cellphone at nilagay doon ang mga sagot  (hindi naman siguro lahat) sa exam. Sure akong ‘kodigo’ yun kasi may tinanong ka ng, “Ano nga yun?”, sumagot yung isa tapos may tinayp ka na sa cellphone mo. Nalungkot ako nun. Napa-iling na lang ako at sinabi sa sarili ang, “tang-ina this, cheating”.  Hindi ata si Sir ang nagbantay (or umalis lang siya) habang tayo ay nag-exam kasi may nerve ka pang kunin ang cellphone mo at may tiningnan. Nung time na yun, sure na talaga akong kodigo yung ginawa mo kasi nang matapos mong tingnan ang cellphone mo, agad-agad kang sumulat sa papel mo. Ang bilis mo ngang natapos eh. Ang galing lang.

Cheating yun kahit sabihin mo pang sa law lang yun, sa long exam lang yun, wala kasing kwenta ang prof natin. I repeat, cheating pa rin yun. Nasaan na ang Honor and Excellence na sinasabi mo? Kung sa bagay, words are only words, napupunta lang yun sa hangin matapos sabihin.

First time kong i-share ito. Oo, NEVER kong na-kwento ‘to kahit kanino, kahit sa pinaka-close ko sa GE na si Grace.

Na-share ko ito kasi nasaktan ako sa sinabi mong, “Huwag ka na lang mag-GEOP kung gagawin (leakage sa board exam) mo lang yun.”

Huwag kang mag-alala, mag-te-take ako ng board exam na hindi magbabayad ng P7000 para sa PUTANG-INANG LEAKAGE na yan! 

TANDAAN MO ITO, PAPASA AKO NG BOARD EXAM NA WALANG HALONG PANLOLOKO.

Comments

a round of applause. better keep the dignity than be haunted with guilt.


PAPASA KA!!!