Klasmeyt tayo nung law. Wala pa
akong org noon. Exam nung araw na iyun. Nasa harapan kayo, medyo busy kasi sa
isang amazing na paraan, nalaman niyo yung mga tanong sa exam. Gusto kong
sumali pero hindi ko naman kayo ka-close. Nakita kitang kinuha ang cellphone at
nilagay doon ang mga sagot (hindi naman
siguro lahat) sa exam. Sure akong ‘kodigo’ yun kasi may tinanong ka ng, “Ano
nga yun?”, sumagot yung isa tapos may tinayp ka na sa cellphone mo. Nalungkot
ako nun. Napa-iling na lang ako at sinabi sa sarili ang, “tang-ina this,
cheating”. Hindi ata si Sir ang
nagbantay (or umalis lang siya) habang tayo ay nag-exam kasi may nerve ka pang kunin ang cellphone mo
at may tiningnan. Nung time na yun, sure na talaga akong kodigo yung ginawa mo
kasi nang matapos mong tingnan ang cellphone mo, agad-agad kang sumulat sa
papel mo. Ang bilis mo ngang natapos eh. Ang galing lang.
Cheating yun kahit sabihin mo
pang sa law lang yun, sa long exam lang yun, wala kasing kwenta ang prof natin.
I repeat, cheating pa rin yun. Nasaan na ang Honor and Excellence na sinasabi
mo? Kung sa bagay, words are only words, napupunta lang yun sa hangin matapos
sabihin.
First time kong i-share ito. Oo,
NEVER kong na-kwento ‘to kahit kanino, kahit sa pinaka-close ko sa GE na si
Grace.
Na-share ko ito kasi nasaktan ako
sa sinabi mong, “Huwag ka na lang mag-GEOP kung gagawin (leakage sa board exam)
mo lang yun.”
Huwag kang mag-alala, mag-te-take
ako ng board exam na hindi magbabayad ng P7000 para sa PUTANG-INANG LEAKAGE na
yan!
TANDAAN MO ITO, PAPASA AKO NG
BOARD EXAM NA WALANG HALONG PANLOLOKO.
Comments
PAPASA KA!!!